Saturday, March 27, 2010

Panawagan mula sa mga Kabataan

Sa Lahat ng Ilocanong Nagmamahal sa Kanilang Bayan:

Kapatid, isang mapagpalayang pagbati sa iyo!

Kami ang nagkakaisang grupo ng mga kabataang professional. Layunin namin ang isang ganap at makabulohang pagbabago sa ating bayan. Kung kaya't kamiy sumusulat sa iyo para samahan mo kami sa aming adhikain.

Sa panahong ito, talamak na naman ang pagkasupil sa ating karapatan at kalayaan na mamili ng ating lider. Binibili nila ang ating dangal, kasabay ang pananakot at pagyurak sa ating kahinaan. Nanawagan kami kapatid na pangalagaan mo ang iyong dangal at kinabukasan para sa ating mga anak. Isipin mo na kung ipagbili mo ang iyong boto katumbas nito ay mga taon na tigmak ng kahirapan. Walng sapat makain sa ating hapag kainan, walang libro sa ating paaralan, walang libreng gamot sa mga hospital, lubak lubak na daan mula kanayunan hanggang sa kalungsuran, habang ang mga mapag samantalang politiko na tumakot sa atin upang ipagbili ang ating boto at pagsamantalahan ang ating kahinahaan ay nagpapakasasa sa kayamanan na ninakaw nila sa kaban ng ating pamahalaan. Isipin mo rin kapatid ang mga taong hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw, ang mga magsasaka at mangingisda na tinitiis ang init ng araw sa kabukiran at karagatan ngunit lugmok parin sa kahirapan. Sa paghihikahos ng kanilang sikmura at kawalan ng pag-asa sila ay napipilitang gumawa karahasan. Kapatid, nakasalalay sa iyong mga kamay ang ating kinabukasan at pag asang makaahon mula sa kahirapan. Tumindig ka't manindigan upang malabanan at matugunan ang daing ng ating bayan. Ituon mo ang iyong pansin sa totoong ugat ng kahirapan, sa iyong lakas, katapangan at karunungan makakamtan natin ang tunay at makabuluhang pagbabago. Salamat at mabuhay ka kapatid.

Para sa bayan,

Alliansa ng Kabataang Professional sa Ilocos Norte.